WARNING: AVOID VIETJET: THEY ARE SEXIST !!!



Sexy photos ng VietJet flight attendants, naging issue sa Vietnam!

TomoNews Filipino, Sep 25, 2014

Sexy photos ng mga flight attendants, pino-problema sa Vietnam!

Ang mga konserbatibong Vietnamese ay nagkakagulo matapos magkalat sa Internet ang may pagka-seksing mga litrato ng mga babaeng naka-VietJet Airline uniforms noong isang linggo.

Ayon sa isang spokesman para sa VietJet Airlines, ang mga litrato ay kinunan sa isang trial photo shoot para i-promote ang kompanya, pero hindi sila parte ng kanilang official campaign.

Ang photo shoot ay isinagawa para ipagdiwang ang kauna-unahang flight ng airline, mula Ho Chi Minh papuntang Nha Trang.

Matapos ang kontrobersiyal na “Fappening,” kung saan nanakaw ay naikalat ang mga hubad na litrato ng mga artista, ang mga litratong ito (na makikita rin sa Facebook page ng model na si Ngoc Trinh) ay di hamak naman na mas safe kumpara sa mga celeb photos.

Isang VIP na nagngangalang Nguyen Trong Thang, sa civil aviation authority ng Vietnam, ang nagsabing lumabag ang VietJet sa local aviation regulations, sa pag-organize ng isang unapproved show sa kanilang eroplano.

Hindi na pala ito ang kauna-unahang offense ng airline. Noong 2012, matapos silang magsagawa ng isang girly show sa ere, minultahan sila ng 20,000 Vietnamese dong – o 1,000 US dollars.

Post a comment

Private comment

Profile

卍心の智

Author:卍心の智

Search form
Latest Journals
Latest comments
Monthly archive
Friend Request Form

Want to be friends with this user.

Link